huuuuuuu. Thank you for the broken hearted :)
nabasa ko `to kagabi.
i don’t know if this is real but for me, this is the real me.
I laugh too much, even on stupid things, but the truth is, I’m sad deep inside. I don’t know why. Basta sad. hindi ko alam kung saan nanggagaling yung sadness. I just feel fucking down all the time. Maybe, I’m just confused. pero saan? hindi ko alam. Parang hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung saan ako pupunta.
I sleep a lot. Sleeping is an escape. I’ve been living in a world where I know happy endings aren’t realistic . Parang ang hirap hirap ng mga gusto ko samantalang kung iisipin ko, madali lang. I just don’t have the drive to do all those things. Ang super over mega pathetic ko lang.
random fact: TAMAD AKO.
sa sobrang tamad ko, kapag as in wala akong inaalagaang bata, imbes na maglinis ako, mag i internet ako ng walang sawa or matutulog ako at di ako lalabas ng kwarto ko.
magulo yung kwarto ko, PERO! isang malaking PERO. Kaya lang ako tinatamad kumilos kase alam ko naman yung gagawin ko, alam kong dapat ako maglinis, dapat akong kumilos, kaya lang kapag paulit ulit na sinasabi sayo, lalo akong tinatamad. kumbaga, i-save mo na lang yung boses mo. Parang gusto kong sumigaw ng…PUTANG INA, ALAM KO GAGAWIN KO!!!
pero syempre, di naman ako ganun ka-bad. kaya tatanga na lang ako kesa mainis ako.
I prefer to clean and work alone here in the house. kapag wala sila, ang sarap lang ng andar ng sipag ko.
- coconut oil na lang ang virgin,
- tanghali na lang ang tapat,
- bilihin na lang ang nagmamahal,
- ihi na lang ang nagpapakilig,
- Motolite na lang ang tumatagal,
- at M.Lhuillier na lang ang mapagkakatiwalaan.
Meron akong kinaiiritahang babae. Yung dating niligawan ng boyfriend ko. Binasted sya `non, dahil sa ewan ko, weird raw yun eh sabi ni bf pero na-remain “daw” yung friendship nila. Okay fine.
Hindi naman talaga ako selosa. May tiwala naman ako sa boyfriend ko. Kaso etong babae na `to, pinakukulo yung dugo ko. Nung mga panahong magkausap kami ni bf sa cp, madalas siyang nag i-incoming call. Dahil sa nasira yung cp ni bf, pinahiram ko sya ng spare cp, so yung mga numbers, unregistered lahat kaya nung tumatawag etong babaitang `to, hindi siya kilala ni bf. Nung nalaman na ni bf na sya yun, sinabi niya na agad na, “excuse me, kausap ko kasi yung girlfriend ko sa kabilang line…” Okay. ibinaba naman ni girl. Maya maya, hala ka, tawag na naman sya, tapos sabi “KAUSAP MO PA YUNG GIRLFRIEND MO SA KABILANG LINE?”
eh baket nagtatanong pa ng ganon?
Sabi ni bf, naghahanap lang siya ng kausap.. nagbreak ata sila ng boyfriend niya..achuchuchu… sa inis ko, sinabi kong AKIN NA, BIGAY MO SAKEN NUMBER NIYAN, GUSTO KAMO NG KAUSAP? SIGE, AKONG KAKAUSAP. bitch mode.
Haha. Ipinakilala saken ni bf yung babae sa chatroom. Chatter eh :”>
Nagpaka-civil ako’t lahat-lahat. Pinigilan ko yung sarili ko kahit gustong gusto kong sabihin na “PUTA KA, IKAW PALA YUNG TAWAG NG TAWAG SA BOYFRIEND KO” dahil FRIEND [ insert galit na smiley dito! ] nga siya ni bf. Hindi naman hinihiling saken ni bf na i-friend ko yung babae at kiber! Kahit hilingin niya, hinding-hindi ko siya ife-friend ever!
Isa pang kinairita ko, naging civil na nga lang ako, dahil ayokong magpaka-plastic, aba nagde-demand pa `tong girlaloo na akala mo anak ng presidente. Ang sabi saken eh, BARKADA KAME NI DAVE, KAYA DAPAT MATUTO KANG MAKISAMA.
Ay teh?! BAKET?! FRIEND KA LANG. GIRLFRIEND AKO `TEH. Pinipili ko yung mga pinakikisamahan ko, at hindi ka isa dun. BURNNNNN.
Kaunting-kaunti na lang, malilimutan ko na siya eh, kaso kahapon daw, nag-OL sa YM! yung girlaloo, nagpapaliwanag kung bakit after 48 years eh ngayon lang sya nakapag-OL.
Honest naman `to si bf, sinasabi niya saken na nag-pm sa kanya si girlaloo at jusko, patawarin, naka-skype kame kagabi ni bf, kitang kita niya yung pag-ikot ng mata ko sa webcam nung sinabi niya yun. Dahil sa totoo lang, umakyat yung dugo ko sa ulo. Nagtanong pa ang mahaderang girlaloo, “KAYO PA NG GIRLFRIEND MO?”
Ang sarap kutusan. Pwes hindi na kame! HINDI NA KAME MAGHIHIWALAY!
Laki sigurong pagsisisi nun nung binasted niya si Dave.
Ang bait lang ni Dave. Sobra. At Mahal na mahal ko siya.
hahay jusko.
nade depressed akoooo.
Lord baket?
Eto na ba yung kapalit ng binigay mo saken last year? Ang swerte ko last year… ngayon parang inaalat ako. Wag naman sila Lord, kawawa naman yung mama ko.
Parang sunod sunod naman ata? Yung bahay namen, yung lola ko, ngayon naman yung papa ko.
Good thing na lang na may insurance yung papa ko from work pero hindi naman yun eh, wag naman yung mga sakit sakit. Nahaharrassed yung nanay ko sa ganito. Kauuwi lang niya galing sa ospital para magbantay sa lola ko, ngayon naman, sumugod ulit ng ospital para dalhin yung tatay ko. My gosh.
Bigyan Niyo pa po ng madaming lakas yung mama ko dahil sya ang sumasalo ng lahat ng hirap dito :( Hirap na hirap na si mama :(
tss… naiiyak na naman ako. Lord please.
Wala ako magawa para sa kanila >.<
Nakaka frustrate. Naawa na ako sa mama ko. :(








